Acts 1:6-8

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit

6Minsan nang nagtitipon sila, tinanong nila si Jesus, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na ibabalik ninyo ang kaharian ng Israel?”
Ang iniisip nila ay baka paaalisin na ni Jesus ang mga Romano na namamahala sa kanila para silang mga Israelita ay makapamahala muli sa kanilang bansa.
7Sumagot si Jesus, “Hindi pinahihintulutan ng Ama na malaman ninyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda niya. 8Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.”
Copyright information for TglASD